Senior citizen na may-ari ng isang resort, natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Batangas

Wala nang buhay at duguan nang matagapuan ang katawan ng isang 73-anyos na babaeng resort owner sa loob ng kanyang bahay sa Bauan, Batangas.

Kwento ng anak ng biktima, nakita nalang niya ang kanyang ina na duguang nakahandusay sa may sala ng kanilang bahay.

Ayon sa Bauan PNP, nakita sa CCTV na pumasok ang dating nitong trabahador sa compound ng resort.

Sa isinagawang imbestigasyon, nasawi ang biktima matapos pukpukin ng flower vase sa ulo at mukha.

Tinitingnan namang motibo sa krimen ang paghiohiganti ng suspek matapos sibakin sa trabaho.

Patuloy pa rin na tinutugis ang suspek na mahaharap sa kasong murder.