Iginiit ni Zambales First District Rep. Jay Khonghun na hindi pa panahon para pag-usapan ang paglipat ng House of Representatives ng lokasyon sa BGC.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Konghun, sinabi nitong napakarami pang trabaho na mas dapat pag-usapan.
Hindi rin naman aniya prayoridad ang tungkol sa paglipat ng mga Kongresista ng kanilang opisina.
Hanggang sa ngayon daw, wala pang malinaw at kongkretong na plano hinggil sa paglipat ng House of Representatives sa BGC, malapit sa bagong Senate Building.