Senate panel, handang muling buksan ang Degamo slay probe

Handa ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na muling buksan ang imbestigasyon sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Senator Ronald Dela Rosa, na namumuno sa panel,  na sa pagkakataong ito, maaaring handa nang iharap ng Department of Justice ang mga suspek sa komite.

Read More:  8 SC hopefuls face public questioning for retiring justice’s seat

Noong Lunes, hinimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang komite ni Dela Rosa na muling buksan ang inquiry na may partisipasyon ng Committee on Justice and Human Rights.

Read More:  Philippines named Asia’s Leading Dive Destination for 8th straight year

Mula nang isara ni Dela Rosa ang pagdinig, ibinahagi ni Cayetano na apat sa mga suspect-witness ang binawi o nag-recant sa kanilang naunang testimonya  na nagsasangkot kay suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. sa nasabing pagpaslang.//CA