Senate Committee – naghahanda para sa sunod na pagdinig tungkol sa PI

Naniniwala si Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senator Imee Marcos na kailangan pa rin nilang magsagawa ng isa pang pagdinig.

Ito ay upang makilala kung sino nga ba si Atty. Anthony Abad at ano ang kanyang kinalaman sa ipinapaikot na form ng people’s initiative kung saan nakalagay ang pangalan nito sa baba.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Samantala, bilang dagdag paghahanda sa ilan pang testigo mula sa Davao ay nagpadala na umano ang senadora ng mga tao mula sa Senado roon.

Ito ay upang makapaglikom na ng mga sinumpaang salaysay, ma-interview ang mga testigo at matukoy ang mga handang humarap sa hearing.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa kabila nito, patuloy naman ding hinihikayat ng senadora ang ilang empleyado ng kongreso na nasama sa listahan na humarap sa pagdinig at linisin ang kanilang pangalan.

Maalala, tinawag na “peso initiative” o “politiko’s initiative” ng ilang senador ang ipinatupad na people’s initiative dahil sa di umano’y naging signature buying campaign para maitulak ang paggamit ng PI sa pag-amyenda ng konstitusyon.