Dati pa raw tinututulan ng Senado ang pag-amyenda sa Konstitusyon.
Ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez, tatlong dekada nang tutol ang Senado sa charter change, o simula pa noong 8th Congress.
Giit ni Rodriguez, ito ang dahilan kung bakit gumawa na ng hakbang ang people organization at inilunsad ang people’s initiative.
Posibleng ma-bypass nga raw ng naturang hakbang ang Senado, at ayaw umano itong mangyari ng mambabatas.
Pero naniniwala ang Kongresista na mas marami pa ring susuporta sa people’s initiative kaysa sa intindihin ang ‘frustration’ ng Senado.
Sa huli, binigyang-diin ng mambabatas na hindi naaaksyunan ng Senado ang mga resolusyon para baguhin ang 1987 Constitution.
Mababatid na umabot na sa 358 na panukala kaugnay sa pag-amyenda sa Konstitusyon ang inihain sa Kamara, na hindi pa rin naaaksyunan ng Senado.