Senate probe sa isinulong na PI, mag-uumpisa na sa susunod na linggo

Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na pag-uusapan nila sa magiging sesyon ngayong araw ang pagbuo ng Subcomitttee on Constitutional Ammendments and Division of Codes and Laws.

Ito ay upang pangunahan ang gagawing pagdinig sa susunod na linggo para sa pag-amyenda ng tatlong probisyon sa saligang batas tungkol sa public utilities, educational institutions at advertising company upang buksan ito sa 100% foreign ownership.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kaugnay nito, ibinahagi ni Zubiri na pangungunahan ni Senator Sonny Angara ang bubuuing subcommittee.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Samantala, binigyang-diin din ng senador na hindi muna siya pansamantalang sasagot sa anumang isyu tungkol sa people’s initiative (PI) upang mapababa ang tensyon sa politika.

Ngunit tiniyak naman niyang patuloy lang ang kanilang pagbabantay laban sa gumugulong na isyu ng PI.