Senate Committee – ininspeksyon ang isang waste management system sa bansa

Pinuri ni Senate Committee on Energy Chairperson, Senador Raffy Tulfo ang pamamahala ng Metro Clark Waste Management Corporation (MCWMC) sa pinakaunang “engineered sanitary landfill” at pinakamalaking waste management system sa Pilipinas na makikita sa Capas, Tarlac.

Ito ay matapos niyang mapag-alaman sa kanyang inspeksyon na nasa mahigit 5,000 toneladang basura kada araw ang pinoproseso nito.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Maliban pa roon, sa nasabing pagbisita ay napag-usapan din umano nila ang laking tulong ng pagtatayo ng mga Waste to Energy (WTE) facility sa pagpapahaba ng lifespan ng mga landfill ng higit tatlumpung taon.

Samantala, ibinahagi naman din ng ilang tagapamahala o stakeholders na ang kawalan ng WTE sa Pilipinas ay maaring makapagdulot ng paggamit ng iba pang mga lupang pupwede na sanang ilaan sa agrikultura o komersiyo.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maalala, ang MCWMC ang nag-iisang pasilidad sa bansa na sumusunod sa RA 9003 o Solid Waste Management Act at ito naman ay plano nang gawing WTE facility sa mga susunod na taon.