Sinabi ni Senate President Chiz Escudero na napagkasunduan ng mga Senador na ipasa sa Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Ito ay kasunod sa paghiling nina Senator Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go na magsagawa ng imbestigasyon kasabay sa House Quad Committee.
Pangungunahan naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang subcommittee dahil abala si Senator Pia Cayetano.
Samantala, ang blue ribbon committee umano ang napili dahil kaya nitong magsagawa ng motu proprio na imbestigasyon habang naka-recess ang Kongreso.