Senadora, umaasang mababanggit ng Pangulo sa darating na SONA ang tungkol sa foreign policy sa gitna ng tensyon sa WPS

Ibinida ni Senadora Nancy Binay na ipo-promote niya sa kanyang ‘final walk’ bilang senador sa darating na State of the Nation Address (SONA) ang pagsusuot ng natural fabric.

Kung saan para sa opening session ay magsusuot umano siya ng piƱa fiber na uri ng damit.

Samantala, para sa mismong SONA, inaasahan ni Binay ang pagtalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa magiging foreign policy ng Pilipinas lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.

Maliban pa roon, umaasa rin siya sa pagbanggit ni Marcos sa mga plano nito upang maresolba ang ilang problema ng bansa tulad ng nararanasang mataas na presyo ng bilihin ngayon at maging ng krudo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *