Mga delagado mula sa Bicol, humakot ng mga parangal sa National Schools Press Conference (NSPC) 2024 sa Cebu City

BNFM BICOL – HUMAKOT ng parangal ang mga mag-aaral na delegado mula sa Bicol na lumaban sa National Schools Press Conference (NSPC) 2024 na ginanap sa Carcar City, Cebu.

Pinarangalan ang Virac Pilot Elementary School sa Catanduanes ng 1st Place sa Pahinang Pampalakasan, 3rd Place naman sa Sports Section ang Iriga Central School sa Camarines Sur, 3rd Place rin sa Layout and Page Design at 4th Place sa Pag-aanyo at Pagdidisenyo ng Pahina ang Jose Zurbito Sr. Elementary School sa Masbate, at 4th Place naman sa Feature Section ang St. Agnes Academy sa Albay.

Sa secondary level naman, pinarangalan ang San Jacinto National High School sa Masbate ng 2nd Place sa Feature Section, 2nd Place rin ang Bicol Regional Science High School sa Albay sa Pahinang Editoryal, at 5th Place naman ang Ligao National High School sa Albay sa Sports Section.

Kabilang ang mga Bicolanong kabataan sa mga nagpatagisan ng husay sa NSPC 2024 kung saan naglaban-laban ang 169 na kalahok mula sa 17 na rehiyon sa Pilipinas na magtatapos sa araw ng Biyernes, Hulyo 12. ### Pauline Manga, Intern

Photo Courtesy of DepEd Bicol Facebook Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *