China, muling hinimok na idaan sa dayalogo at konsultasyon ang sigalot sa West Philippine Sea

Ikinabahala ni House Speaker Martin Romualdez ang mas agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng panibagong insidente ng harassment ng China Coast Guard sa Escoda Shoal kung saan binangga at binomba ng water cannon ang BRP Datu Sanday na nagsasagawa lamang ng resupply mission.

Mariing kinondena ni Romualdez ang mapanganib na maneuvers ng CCG sa barkong maghahatid ng pagkain, gamot at diesel sa mga mangingisda sa Escoda Shoal.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ito aniya ang ikalawang beses sa loob ng isang linggo na ginamit ng China ang lakas nito upang i-harass at takutin ang ating mga barko at tauhan sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni Romualdez na malinaw na nasa loob ng 200-mile exclusive economic zone ang lugar sa ilalim ng UNCLOS na kapwa signatories ang China at Pilipinas.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Muli ring umapela ang House Speaker sa China na respetuhin at sundin ang international law na nilagdaan at tigilan ang mga agresibong pagkilos.

Dapat umanong itaguyod ng Beijing ang konsultasyon at dayalogo bilang paraan sa pagresolba ng sigalot at hindi komprontasyon.

Idinagdag pa ni Romualdez na nananatili ang commitment ng gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos na isulong ang dignidad, territorial integrity at soberanya ng bansa.