Muling nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kay Apollo Quiboloy na sumuko na at makipagtulungan sa awtoridad hinggil sa pagtugis sa kanya.
Ito ay matapos ang paghahain ng ilang korte ng kasong human trafficking at sexual abuse sa kanya.
Alinsunod nito, muli siyang nanawagan sa Philippine National Police (PNP) na tiyaking walang sinuman sa kanilang mga opisyales ang maiimpluwensyahan ni Quiboloy at ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Maliban pa roon, nagpaabot din siya ng mensahe kay Duterte na ‘wag ng pagtakpan si Quiboloy bagkus tulungan na lang ang awtoridad na hanapin ang di umano’y kaibigan niya.