Hindi pa masabi ng AFP kung maituturing na national threat ang POGO sa bansa
Ito’y sa gitna ng sunod-sunod na pagkakadiskubre sa iligal na operasyon nito kung saan ang pinakahuli ay ang nadiskubre sa 10 hektaryang POGO sa Porac, Pampanga.
Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi pa nila direktang masabi na may mga sundalo ng China na nagsasagawa ng tagong operasyon sa Pilipinas at nagtatago sa mga POGO.
Samantala, inamin naman ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na totoong dumami ang presensya ng Chinese sa bansa at maitururing itong unusual.
Gayunman, hindi pa ito sapat para masabing may dala silang banta sa seguridad dahil puro sa maliliit na krimen o “common crime” lang naman sila nasasangkot.