Senadora: maging mapagmatyag matapos ang pagkumpiska ng cannabis-infused vapes sa Clark, Pampanga

Tunay na nababahala si Senate Committee on Blue Ribbon Committee, Chairperson, Senadora Pia Cayetano sa kamakailang nakumpiska na milyong halagang assorted cannabis-infused disposable vapes sa Clark, Pampanga.

Anya, mas tumataas pa kase ang panganib sa buhay ng bawat kabataan dahil maliban sa nakakasamang sangkap na laman ng vape ay nadagdagan pa ito ng nakakaadik na cannabis na siyang illegal naman dito sa bansa.

Alinsunod nito, hinimok niya ang publiko na maging mapagmatyag at protektahan ang bawat kabataan mula rito.

Maalala, kamakailan lang ay may naitalang kauna-unahang kaso ng pagkamatay dahil sa e-cigarette o vape-associated lung injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *