Nagpaabot ng pagsuporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga naging magagandang programa at plano ng administrasyong Marcos sa naging State of the Nation Address (SONA).
Kabilang na rito ang pag-anunsyo ni Ferdinand Marcos Jr. na pagba-ban na o pagbabawal sa mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Ayon kay Go, sa pamamagitan nito ay mapapanatili ang kaayusan, kapayapaan at seguridad ng bawat mamamayang Pilipino.
Dagdag pa niya, dapat lang itigil na ang pang-aabuso at pambabastos ng ilang POGOs sa batas na mayroon ang Pilipinas.