OCD, kinikilala ang ibinibigay na suporta ng pamahalaan para sa disaster risk reduction and management sa Pilipinas

Nagpasalamat si Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno sa pamahalaan para sa pagpapatibay sa disaster risk reduction and management (DRRM) sa bansa.

Ayon kay Nepomuceno, consistent si Pangulong Bongbong Marcos sa pagbibigay-diin sa pangangailangang palakasin ang Philippine disaster risk reduction and management sa pamamagitan ng isang komprehensibong approach na pagtutulungan ng gobyerno at ng mga mamamayan.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Masaya aniya sila sa ‘unwavering commitment’ at dedikasyon ng Pangulo.

Mababatid na sinabi ng presidente noong Lunes sa kanyang SONA ang kahalagahan ng kahandaan ng bansa sa mga sakuna at iba pang mga banta.

Ipinaliwanag din niya na ang mga weather events sa buong mundo ay mas nagiging malala.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Dahil umano sa lokasyon ng Pilipinas, nagiging mas vulnerable ang bansa sa adverse effects ng climate change.

Samantala, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang OCD sa mga regional offices at iba pang ahensya ng gobyerno para sa preparedness and response measure ngayong panahon ng tag-ulan.