‘nakakagalit’
‘yan ang mariing reaksyon ni Senador JV Ejercito sa panibagong pambu-bully at pangha-harass ng China sa tropa ng mga Pilipino sa Sabina shoal o mas kilala sa tawag na Escoda shoal.
Lumabas kase na ginitgit, hinarang at binangga ng China Coast Guard (CCG) ang bangka ng Pilipinas na dapat ay magsasagawa lang ng marine scientific research.
Alinsunod nito, tinawag na bastos at ‘inhumane’ ng senador ang ipinakitang agresibong aksyon ng China.
Kaugnay nito, binigyang-diin niyang marapat lang na palakasin na ang hukbong sandatahan ng bansa upang maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas.
Maalala, sa isinagawang marine research ay napag-alamang patay at namumuti na ang ilang corals sa Escoda shoal na pinaghihinalaang sanhi ng reclamation project doon ng China.