Senador, pinaalalahan ang PNP na maging propesyonal at non-partisans sa pagsasagawa ng operasyon

Ipinunto ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi naman siguro terorista ang sisilbihan ng Philippine National Police (PNP) ng arrest order sa Davao City kung kaya’t dapat lang silang gumamit ng sapat na pwersa sa kanilang operasyon.

Ito ang kanyang naging pahayag kasunod ng naging pagdinig hinggil sa paggamit ng sobrang pwersa ng PNP sa kanilang operasyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City upang silbihan ng arrest order si Apollo Quiboloy.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dagdag pa niya, lumabas din sa ulat na nag-deploy ng SWAT team sa naturang lugar na nagdulot naman ng takot sa ilang bata at maging estudyante.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kasunod nito, pinaalalahanan niya ang PNP na maging propesyonal sa pagsasagawa ng kanilang operasyon at gumamit lang ng tamang dami ng tao o backup na kanilang kinakailangan.

Maliban pa roon, hinikayat din niya ang mga ito na maging non-partisan at sumunod sa mga nakatakdang batas.