Senador Pimentel, ikinalungkot ang pagkakalagda sa MIF Bill

Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na ang pagkakalagda sa Maharlika Investment Fund (MIF) Law ay isang ‘sad day,’ kasabay ng pagbibigay-diin sa mga risky investments na maaaring magawa ng pamahalaan.

Giit ni Pimentel, ang pagbuo sa naturang batas ay hindi naman plantsado, at walang sobrang pondo ang gobyerno na puwedeng gawing back-up fund para sa MIF sakaling kailanganin.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ipinaliwanag din nito na tila hindi alam ng bansa ang binuo nitong hakbang na posibleng mauwi lang sa problema.

Pagdidiin ng senador, dahil sa hindi malinaw na origin ng idea ng MIF, at paspasan na pagpapatupad ng Pilipinas dito na may halong ‘unconstitutional shortcuts’, at ‘inherent contradictions and clear confusion’ – magiging kwestyonable ang bagong-lagdang batas sa Korte Suprema.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Mababatid na nilagdaan na kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas na bubuo sa MIF.