Umaasa ang National Telecommunications Commission ng mas marami pang Pilipino ang magre-register sa Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration, sa harap ng nalalapit na deadline sa July 25.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, nakapagtala na ang ahensya ng 103,519,000 Pilipinong nagpa rehistro o 61.6% ng mga activated sims sa buong bansa.
Sa ngayon, inaasahan nilang makatala ng 110 milyong registrants bago ang nasabing deadline.
Nakikipag-ugnayan naman ang NTC sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para pag-usapan na wala nang magaganap na extension of deadline sa pag-rehistro.
