Senador, nanawagan ng price freeze para sa mga basic commodities ngayong El Niño season

Naniniwala si Senador Sonny Angara na matagal ng umaaray ang mga manggagawa sa bigat ng mga presyo ng bilihin habang kakarampot lang ang kanilang sahod.

Kaugnay nito, umaasa ang senador na mabibigyan ng karampatang long-term support ng gobyerno ang mga magsasaka at food industries para mapamura ang presyo ng mga bilihin at hindi na mag-angkat palagi.

Sa kabilang banda, nanawagan naman din si Senador Francis Tolentino ng price freeze sa mga basic commodities tulad ng bigas ngayong El Niño season.

Ang price freeze ay tumutukoy sa pagpapatigil ng gobyerno sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang labis na pagtaas nito lalo na sa panahon ng krisis o emergency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *