Senador: may mga bagong POGO hub ng binabantayan ang awtoridad

Tiniyak ni Senador Win Gatchalian na titignan nila ang lahat ng anggulo sa isyu ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac na sangkot sa love at cryptocurrency scam.

Ayon kay Gatchalian, tiwala siyang hindi lang ito ordinaryong operasyon lalo na’t mukhang handang gumastos ang nasa likod nito upang maipakita online na malaki ang kontribusyon ng POGO sa ekonomiya.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag pa niya, masaklap man pero napag-alaman nilang peke ang mga address ng incorporators ng ni-raid na POGO hub kung kaya’t hindi nila ito matunton.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Samantala, isiniwalat naman niyang may kasalukuyan ng iba pang POGO hub na sine-surveillance o binabantayan ang awtoridad na pinaniniwalaang sangkot sa torture at human trafficking.

Maaalala, sa nagdaang inspection sa Pasay City ay may nakitang ‘torture chamber’ dito ang mga senador.