Lalaking sangkot sa pamamaril sa photojournalist na si Joshua Abiad, naaresto sa QC

Naaresto ng Quezon City Police Distict ang No. 9 District Level Most Wanted Person na sangkot sa Abiad Shooting Incident na naganap noong Hunyo nang nakaraang taon sa Brgy. Masambong, sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jomari Campillo, 25 anyos, at residente ng Brgy. Cembo, Makati City na unang inaresto noong July 14, 2023, dahil sa paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.

Muling inaresto si Campillo dahil sa nakabinbing Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na inisyu ng Branch 86, Regional Trial Court (RTC), ng Quezon City.

Matatandaang noong Hulyo 13, 2023, nang sampahan ng kasong Murder at 3 counts ng Frustrated Murder ang suspek at mga kasama nito dahil sa pagkakasangkot sa insidente ng pamamaril sa photojournalist na si Joshua Abiad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *