Senador: imbestigahan na ang mga dayuhang nasa ‘gated villages’ sa Paranaque

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na karapat-dapat lang bigyang-pansin ang napapaulat na pagdami ng mga foreign nationals sa Multinational Village sa Paranaque City.

Anya, mahalagang matiyak ng pamahalaan na walang illegal na aktibidad na isinasagawa ang mga ito matapos ang mga kamakailangang raid sa iba’t ibang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na tumatayong love scam o di kaya ay cryptocurrency scam hub.

Kaugnay nito, nanawagan siyang magkaroon ng imbestigasyon dito dahil nakakabahala umano na maaring mga pugante sa ibang bansa na ang nakatira sa mga subdivision na ito.

Maalala, matapos ang naging raid ng National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang taon sa Ayala Alabang Village ay nakaaresto sila ng labing-isang Chinese nationals na nakumpiskahan pa ng mga baril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *