Wala na umanong nakikitang rason si Senador Win Gatchalian para bigyan pa ng ikatlong pagkakataon si Alice Guo na sumailalim sa executive session lalo na’t wala silang nakuhang bagong detalye sa nakaraang sesyon.
Ngunit sa kabila nito, ayon kay Gatchalian, target pa rin nilang ipagpatuloy ang imbestigayon hinggil sa alegasyon kay Guo na isa siyang Chinese spy.
Pero inamin ng senador na tiyak niyang magiging komplikado ang pagsagawa nito dahil wala sa bansa ang accuser na si She Zhijiang at mahirap na rin itong ma-access.
Hinikayat naman din niya ang intelligence at defense agencies na masinsinang pag-aralan ito bilang parte na ito ng malaking isyu na kinahaharap ng ibang bansa mula pa noon.