Wala pang impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nadamay na Overseas Filipino Workers (OFW) sa drone attack sa Northern Israel.
Dahil dito, patuloy na pinaaalalahanan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Israel na manatiling malapit sa mga shelter para sa kanilang kaligtasan.
Dagdag pa ng Embahada, kung may marinig na sirena o makatanggap ng alerto mula sa IDF Home Front Application, agad na pumunta sa mga ligtas na lugar o shelter.