Senador Go, itinangging dati nyang aide ang DBM exec na sangkot sa overpriced face masks issue

Itinanggi ni Senador Bong Go na dati nyang aide ang dating Budget Undersecretary na si Christopher Lloyd Lao.

Ginawa ng senador ang paglilinaw matapos na mabanggit ang pangalan ni Lao sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng overpriced na face masks at face shields.

Sa isang statement, sinabi ni Go na volunteer election lawyer si Lao ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 at naitalaga sa Presidential Management.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Pagkatapos nito ay na-appoint naman si Lao sa Housing and Land Use Regulatory Board at sa DBM noong 2019.

Giit ni Go umupo na sya bilang senador noong July 2019 nang italaga si Lao bilang head ng PS-DBM noong August 2019.

Kaugnay nito, muling binigyang diin ng senador na suportado nya ang imbestigasyon sa Senado tungkol sa findings ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng pondo ng mga ahensya para sa COVID-19 response at kung kailangang ipatawag si Lao sa pagdinig ay gagawin ito para magkaroon ng kalinawan ang isyu.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag pa ng senador na matatag ang kanyang posisyon laban sa korapsyon at di nya kukunsintihin ang sinumang sangkot sa anomalya.