Senador Bato pinaiimbestigahan na sa Senado ang umano’y pagbibigay ng drug reward sa mga informants

Naghain si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ng resolusyon na humihiling na imbestigahan ang umaano’y pagbibigay ng ‘reward’ sa mga informants ng 30% na droga mula sa mga nakumpiskang droga sa mga operasyon ng Philippine Drug Enforecement Agency.

Ang paghahain ng Proposed Senate Resolution 508 ay kasunod ng ibinunyag ni PDEA Director-General Moro Virgilio Lazo na hinihinalang bagong modus.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Ayon kay Dela Rosa, ang bagong polisiya ng PDEA ay ‘disturbing’ dahil ipinakikita nito ang pag-ikot-ikot o ang circulation ng ilegal na droga sa ilalim ng ahensya na siyang dapat nangunguna at lumalaban sa ilegal na droga.

Dagdag ng senador, kailangang masiguro na ang paglaban para mapuksa ang ilegal na droga ay may kaakibat na integridad, dangal, at walang nakokompirmiso sa mga pinaninindigan ng naturang institusyon.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Samantala, sumang-ayon naman ang mambabatas na ang annual confidential fund ng PDEA ay magagamit para sa payment of rewards upang mahikayat ang publiko na i-report sa otoridad ang illegal activities sa mga kominidad.