Isang guro, sugatan matapos sumemplang sa motorsiklo sa Roxas

Sugatan ang 56 anyos na guro matapos na maaksidente sa National Highway ng Bgy. San Nicolas Roxas Palawan, bandang alas-syete kagabi, March 6, 2023.

Ang biktima ay si Antonio Madarcos Padul,  guro ng mababang paaralan sa Roxas.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Napag alaman na mula umano sa Bgy. Tumarbong si Antonio at pauwi na sana sa Bgy. New Barbacan Roxas nang maaksidente, matapos bumangga sa tumpok na mga bato sa gilid ng daan.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Samantala, agad na dinala sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng pinsala sa paa.