Senado sinumulan na ang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero

Nagsimula nang gumulong sa Senado ang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero at ang panukalang pagregulate sa pagpapatupad ng e-sabong.

Pinangunahan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Dugs Chairman Sen. Ronald Bato dela Rosa ang naturang public hearing.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kabilang sa mga dumalo ay ng mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero, mga kinatawan ng mga online sabong websites, e-money companies, at mga may-ari ng mga sabungan.

Layon ng naturang pagdinig na malinawan kung may koneksiyon ba ang sabong at e-sabong sa pagkawala ng nasa 30 mga sabungero na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng mga otoridad.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Samantala kasama din sa mga inimbitahan sa senate hearing ay ang mga kinatawan ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.