Sen. Pimentel, pinagpapaliwanag ang DOJ tungkol sa P1 bilyon na proposed budget sa 2024

Hinihingan na ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Department of Justice (DOJ) ng kanilang paliwanag kung bakit kailangan nila ang mahigit isang bilyong budget para sa Witness Protection Program sa 2024.

Sa naganap na budget hearing, pinagsusumite niya na rin ang mga ito ng ilang detalye tulad ng bilang ng mga testigo at maging ang kinakailangang pondo ng bawat benepisyaryo.

Dagdag pa niya, importante ring matukoy niya ang dating gastos ng mga ito at ang bilang ng benepisyaryong napaglaanan nito.

Ito ay upang matiyak na makatwiran ang hinihinging confidential fund at pondo ng DOJ.

Samantala, giniit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kinakailangan nila ang ang confidential fund para sa mga gastos na hindi pupwedeng idaan sa ordinaryong procurement.

Katulad nalang ng gastos sa pagkuha ng safe house, allowance sa mga testigo at impormante maging bayad sa mga security personnel.

Ayon pa kay Remulla, mas magiging magastos din ang DOJ sa susunod na taon dahil sa dami ng kasong kinakailangan nitong resolbahin kasama na ang kaso sa smuggling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *