PMHA, nanawagan ng full support sa pamahalaan para labanan ang Mental Health problem sa bansa

Nananawagan ang Philippine Mental Health Association (PMHA) ng buong suporta sa pamahalaan para malabanan ang mga kaso ng mental health problem sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Dr. Issa Dela Cruz ang Program Manager ng PMHA, sinabi nito na ngayong araw ipinagdiriwang ang Worlds Mental Health Day habang sa buong linggo ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad bilang selebrasyon ng Mental health awareness week.

Isa sa tinukoy ni Dr. Dela Cruz na tinututukan ng PMHA ang workshop suicide prevention kung saan magsasagwa sila ng mga training sa ilang health workers kabilang rin ang ilang teachers’ para maging aware sa kung paano iha-handle ang mga ganitong usapin.

Samantala, magkakaroon ng sabayang “Light up blue” mamayang gabi kung saan lahat ng mga buildings, establishment o kahit bahay na kayang magpa-ilaw ng asul inaanyayahang makisali na simbolo ng peace and hope para sa mga nakararanas ng Mental Health issues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *