Excess collection ng RCEF, makatutulong sa rice farmers para sa modern farming technology ayon kay Romualdez

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga opisyal ng Department of Agriculture na gamitin ang sobrang koleksyon ng rice tariff upang tulungan ang mga magsasaka.

Ayon kay Romualdez, patunay ito ng pagsusumikap ng pangulo na palakasin ang agricultural production lalo na sa bigas upang masiguro ang stable supply at abot-kayang presyo sa bawat Pilipino.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binigyang-diin ng House Speaker na ang excess collections sa rice tariff ay magbibigay ng access sa rice farmers sa modernong teknolohiya, magpapabuti sa nakasanayan at magpapataas sa productivity.

Maitataguyod din aniya ang matatag na sektor ng agrikultura dahil titiyakin na makakamit ang domestic rice requirements at mababawasan ang pagsandal sa imported.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Una rito, ibinahagi ni Marcos kay Romualdez sa inspeksyon ng irrigation projects sa Bulacan ang ideya na gamitin ang sobrang RCEF collection para magpaabot ng tulong sa mga magsasaka.

Nangako naman si Romualdez na magkakaloob ang Kamara ng karagdagang 40 billion pesos na pondo para sa irrigation projects sa ilalim ng 2024 proposed national budget upang suportahan ang misyon ng pangulo na iangat ang agricultural production sa bansa.