Sen. Marcos sa DA – pag-aralan nang mabuti ang timing ng posibleng onion importation

Hinimok ni Sen. Imee Marcos ang Department of Agriculture na pag-aralan ng mabuti ang timing ng posibleng importasyon ng sibuyas sa gitna ng pagtaas ng presyo nito

Naglabas ng pahayag ang kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sabihin ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na kung patuloy na tataas ang presyo ng sibuyas ay maaari umano silang mapilitang mag-import bilang  band-aid solution.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Sinabi ng Agri dept na naghahanap sila ng mga paraan upang matulungan ang mga magsasaka na ibaba ang presyo ng sibuyas

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sinabi naman ni Marcos na baka sa dami ng inimport na sibuyas at nagkataon na panahon na rin ng ani ng mga magsasaka ay babagsak naman ang presyo nito.

Sinabi ni Marcos na sinabihan na niya ang pangulo, na namumuno din sa DA, na muling suriin ang timing ng importation plan.//CA