House panel, iimbestigahan ang talamak umanong agricultural smuggling sa Subic Port

Magsasagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Ways and Means sa umano’y talamak na agricultural smuggling sa Subic Port matapos masamsam kamakailan ang milyun-milyong pisong halaga ng mga smuggled goods.

Sa isang pahayag, sinabi ng chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda , na ang kawalang-interes ng Subic Bay Metropolitan Authority  sa mga legitimate concerns  tungkol sa smuggling ay hindi umano katanggap-tanggap para sa kanya.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Sinabi ng mambabatas na hindi bababa sa apat na operasyon ang isinagawa sa Subic noong Disyembre lamang at nasa Nasa 7000 metric tons  ng smuggled na asukal ang naharang din sa Subic noong Agosto.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Dahil rito, tututok aniya ang kanyang  komite sa pagtulong sa administrasyong Marcos sa pagsugpo sa smuggling sa bansa.//CA