Binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos na mismong mga hukom na ang nagsabi na hindi dapat madaliin ang pagsasagawa ng pagdinig para sa Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6).
Ito ay bilang tugon sa iilan umano na nagbibigay ng taning na dapat matapos na ito bago pumasok ang Holy Week sa Marso.
Ayon kay Marcos, hindi naman ganun kasimple ang pag-aaral at pagpapalit sa Saligang Batas.
Kaugnay nito, sinabi niyang walang “deadly deadline” para rito.
Maalala, una ng sinabi ni Senate President Migz Zubiri na ipinagkakatiwala na niya ang timeline para rito kay Senator Sonny Angara na siyang tumatayo bilang chairman ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.