Bayad ng Saudi Arabia sa mga displaced OFW, naipamahagi na

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon na tuloy-tuloy na ang pagbabayad ng Kingdom of Saudi Arabia, sa claims ng mga Overseas Filipino Worker o OFW na hindi pa nakakakuha ng kanilang sweldo, mula nang mabangkarote ang kanilang pinapasukang kompanya noong economic crisis sa naturang bansa taong 2015.

Sa maikling video message ni Pangulong Marcos sa kanyang social media, sinabi nito na naka proseso na ang Overseas Filipino bank at Landbank ng 1,104 alinma bank indemnity cheque.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ang halaga ng tseke na nai-release na ay 868 million 740 thousand 544.

843 out of 1, 104 na mga tseke ang na-cleared at credited o naibigay na sa mga OFW.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nabatid na personal na nagkausap sina Pangulong Marcos at Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salam sa naging pulong noong 2022, sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand, kung saan ipinangako ng huli ang pagbabayad sa claims ng mga OFW.