Patuloy pa rin ang paghihinagpis ng mga pamilya ng mga biktima sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro.
Sa mga nakausap ng 97.5 Brigada NewsFM Tagum – sinabi ng mga kaanak na umaasa pa silang buhay ang kanilang mahal sa buhay
Sa ngayon kaswi – wala pa ring naibabang mga bangkay galing sa pinangyarihan ng landslide.
Patuloy pa naman sa ngayon ang pagsisikap ng mga rescuers na mahanap at iligtas ang natitirang 41 indibidwa; na empleyado ng APEX Mines.
Samantala ang bilang na ito ay salungat sa sinabi ng mga residente na diumano lagpas sa isang daan katao ang posibleng natabanunan kasama na rito ang mga residente sa nasabing lugar.
Sa inisyal na ulat ng Eastern Mindanao Command – 86 na mga empleyado ng minahan ang na-trap, at 45 pa lang ang matagumpay na nailigtas, na may 3 indibidwal ang nasa kritikal na kondisyon.