Naniniwala si Senator Imee Marcos na dapat manggagaling sa UniTeam senatorial slate ang magiging susunod na Senate president.
Giit ni Marcos, dapat isang majority na matibay na talagang 13 senador umano ang maaasahan na boto.
Dagdag nito, dapat ganoon ang magiging set up dahil sa dami ng problema na dapat mabilis ang Senado at malakas ang dating ng mga batas na kinakailangan.
Una nito, inihayag ni Senator Sonny Angara na interesado umano si Imee at Senator-elect Loren Legarda na maging Senate president pro tempore, ang ikalawang pinakamataas na posisyon ng Senado.

Sa ngayon, sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian, at Senator-elect Francis Escudero ang mga mambabatas na napapaulat na tatakbo sa top post ng Senado.