Inanunsyo ng Commission of Elections (Comelec) na isa-shut down na nila ang kanilang automated election system (AES) servers at network infrastructure sa May 30, tatlong linggo matapos ang national elections.
Ang shutdown ng AES servers at network infrastructure ay isasagawa sa presensya ng political parties at citizens’ arm groups.
Ang mga aktibidad ay gagawin sa Central Data Center – PLDT Vitro Taguig; Central Data Center – PLDT Vitro Parañaque at Backup Data Center – Data One sa Quezon City.

Samantala, bagama’t sinabi ng militar at pulisya na payapa sa kabuoan ang ginagawang halalan, binigyang diin naman ng international observers kulang ang Comelec para sa malaya at patas na election standards.
Pero depensa ng poll body, tanging ang vote buying issues lang ang nananatiliing unresolved.