Sen. Hontiveros to Quiboloy: ‘wag kang pa-victim!’

‘Wag pong pa-victim’.

Ito na lang ang naging sagot ni Senadora Risa Hontiveros sa mga naging maanghang na hamon ni Apollo Quibloy sa kaniyang voice message.

Kasunod ito ng subpoena ng Senado; hiwalay pa sa Kamara, para padaluhin siya sa pagdinig nito.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sabi ni Hontiveros – ang hinihingi lang daw naman sa kampo ni Quiboloy ay humarap ito sa legal na proseso.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kabilang na aniya rito ang Senate hearing hinggil sa mga alegasyon laban sa kaniya.

Sabi ng Senador, ‘di na raw ito dapat pang padaanin pa sa ‘lenggwahe ng patayan’ kahit na ito na raw ‘di umano ang ‘nakasanayan’ ni Quiboloy.