Personal na nagpaabot ng pakikiramay si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. Sa pamilyang naulila ng 6 na sundalo sa engkwentrong naganap sa Lanao del Norte kamakailan sa pagitan ng Dawlah-Islamiyah Maute Group.
Nasaksihan din ng AFP Chief ang isinagawang vigil ng tropa ng sundalo nanabg dumating ito sa headquarters ng 1st Infantry Division sa Zamboanga Del Sur kahapon.
Dito, tiniyak ni Gen. Brawner na ibibigay ng AFP ang buong suporta at tulong sa mga naiwang mahal sa buhay ng 6 na pumanaw na sundalo.
Maliban sa financial support, yon kay Brawner tutulungan din ng gobyerno ang kanilang mga anak o mga kapatid na makapasok sa military service.
Maaalalang nagkasa ng decisive operation ang militar noong Feb. 18, 2024, nang makasagupa ang mga miyembro ng Daulah Islamiya kung saan tatlo sa mga ito ang napatay.