Suportado ni Senadora Risa Hontiveros ang pagtapyas ng Kamara ng 1.3 bilyong piso sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Gayundin ang paglilipat ng pondo sa mga proyekto ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Hontiveros, umaasa ito na magkakaroon ng postive effect sa pagpapabuti ng health at social services sa bansa.
Sa huli, umaasa rin na dadalo si VP Sara sa plenary deliberations ng OVP budget gaya ng ginagawa ng ibang ahensya.