Hihintayin at handa umanong respetuhin ng komite ni Senadora Risa Hontiveros ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa ipinadala nilang request letter.
Sa nasabing letter, hinihingi ng senadora na mapayagan si Apollo Quiboloy na humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na umiikot sa di umano’y pagkasangkot nito sa human trafficking activities at sexual abuse.
Maalala, nakatakdang ipagpatuloy ang nasabing pagdinig sa susunod na Miyerkules kung saan ito ay dadaluhan umano ng panibagong batch ng mga victim survivors.