Imbestigasyon ni Sen. Dela Rosa sa war on drugs, kinwestyon ni dating Sen. De Lima

Pumalag si former senator Leila de Lima sa planong imbestigasyon ni Sen. Dela Rosa sa kontrobersyal at madugong war on drugs ng adminitrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan tumayong hepe ng pulisya si Dela Rosa.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Pagkwestyon ni De Lima – maaari bang mangyari na ang isang ini-implicate ay siya ring hahawak ng hearing kung saan siya ay posibleng mag-preside din.

Aniya, pupuwede bang ang akusado ay maging husgado rin?

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Giit ng dating mambabatas, kung iba sana ang magre-reside, maaari itong gawin, pero palagay niya ay hindi proper kung si Dela Rosa ay magpa-participate sa pagtatanong.