Sen. Go umapela sa mga ahensiya ng gobyerno na tiyaking may pondo pang-ayuda sa mga mahihirap na residente sa ECQ areas

Umapela si Senador Christopher Bong Go sa mga ahensiya ng gobyerno na tiyakin may sapat na pondo para sa ayuda ng mga pinakamahihirap at pinakanangangailangan na kababayan ngayong muling inilagay sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila.

Paliwanag ni Go may mga pamilya din pinapakain ang mga kababayan pansamantalang mawawalan ng kabuhayan, lalo na ang mga daily wage earners at mga isang kahig, isang tuka.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaya dapat umano ay handa ang gobyerno na mabigyan sila ng pantawid sa araw-araw at habang nilalabanan  ang COVID-19, dapat tugunan din ang gutom at kahirapan na epekto nito.

Nilinaw naman ni Go na ang desisyon ng pamahalaan na ilagay muli sa ECQ ang NCR simula Agosto 6 hangang a-bente ay dumaan sa malalimang diskusyon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Subalit katulad umano ng lahat ng desisyon ng gobyerno laging isinasa-alang-alang ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Health sinabi ni Go nirerespeto niyang ang payo ng mga eksperto na higpitan pansamantala ang mga patakaran para maagapan ang pagkalat ng delta variant.