Sen. Go naalarma sa pagdami ng COVID-19 sa mas nakababatang populasyon

Ikinaalarma ni Senador Christpher Bong Go ang pagdami sa bilang ng mga natatamaan ng COVID-19 sa mga mas batang populasyon.

Ayon kay Go batay umano sa datus ng Department of Health 30% ang itinaas ng mga batang nakakaroon ng COVID. Dahil ditto, hinimok ni Go ang mga kinauukulan na pag-aralan ang posibleng expansion ng vaccine rollout sa youger population.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sinabi ni Go na bilang chairman ng Senate Committee on Health, lubha siyang nababahala na kung hindi maagapan at magawan ng paraan ay baka mapilitang gawing panibagong priority group ang mga bata at teenagers.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Muli naman umapela ang senador sa publiko na ugaliing sundin po ang mga health protocols lalo’t nasa paligid lamang ang banta ng mas nakakahawang delta variant.