Libre na muna ngayon ang rapid antigen test para sa mga authorized persons outside residence, essential workers at frontliners na papasok ng border checkpoint ng Zambales.
Ito ang kinumpirma ni Zambales Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno sa panayam ng BNFM.
Aniya, para hindi magastusan lalo na ang mga maliliit na manggagawa ay ililibre na muna ito.
Ang rapid antigen test na may validity ng pitong araw ay para lamang sa mga papasok ng Zambales na hindi tatagal ng 24-oras.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
