Sen. Binay, kumpiyansang magiging patas si Sen. Tolentino sa pagproseso ng inihain niyang ‘ethics complaint’ vs Cayetano

Inamin ni Senadora Nancy Binay na nabahala siya sa naging pahayag ni Senador Alan Cayetano na posibleng walang mangyari sa kanyang inihaing ‘ethics complaint’ sa Senate Committee on Accounts.

Ngunit sa kabila nito, kumpiyansa umano siyang magiging patas si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa pagproseso ng kanyang reklamo bilang isa rin itong abogado at alam nito ang nararapat na judicial process.

Maalala, naghain nitong Lunes si Binay ng ‘ethics complaint’ laban kay Cayetano matapos ang di umano’y unparliamentary manner at paggamit nito ng derogatory word sa nakaraang pagdinig.

Samantala, tiniyak naman ni Binay na handa siyang sumunod sa proseso ng komite ni Tolentino hinggil sa paghawak ng inihain niyang reklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *