Claim ng China na pinayagan nilang mailikas mula sa BRP Sierra Madre ng isang sundalong may sakit, katawa-tawa ayon sa PCG

“Rediculous” o katawa-tawa ang claim ng China na pinayagan nila ang medical evacuation sa may sakit na miyembro ng Philippine Navy mula sa BRP Sierra Madre.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, pinatutunayan lamang aniya ng China ang iligal nilang pagkakalat ng mga barko sa loob mismo ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Pinapakita rin ng China na wala itong pagpapahahalaga ng buhay at kapakanan ng tao dahil kailangan pa ng “approval’ nila ang paglilikas ng tao.

Patunay dito ang pagpapakalat ng china ng maraming bangka para guluhin o piGilin ng ilang oras ang medial evacuation ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *